Monday, March 12, 2012

Pag-ebeg

Ginagawa ko to habang kasama ko ang payatot na nasa tabi ko na <3 ko. Hihihihi


 

Lamig na lamig na kami ngayon sa isang coffee shop sa Sky Garden, wala lang usapan chill habnga nag-aaral ako, pero landian ata ang lesson ngayon. HAHAHAHA Pero seriously, wala sarap tumambay na wala masyadong iniisip. Kundi manlait lang ng manlait sa paligid mo. Related yan sa isang tweet ko. Basahin mo nalang, katamad eh. Lels. Pero maiba tayo, usap pag-ibig tayo. Iba-iba talaga ang mga tao pagdating sa pag-ibig no. Iisa ang may lakas ng loob na bumuo para kagatin ng isa pero isang tao din ang may lakas ng loob neto para sirain ang nabuo ng magandang samahan. Dalawang kwento ng magkaibang pag-ibig ang nalaman ko. Taray nga eh, morning shift at afternoon shift. Oh diba? Parang klase lang sa public! San ka pa. Haha! Pero seriously, sa magkaibang kwento na to ng tungkol sa pag-ibig, isa lang ang kinalalabasan neto, may taong nang-iiwan at may taong iniiwanan. Sabi nila, ang paghihiwalay is a mutual decision, siguro tama pero isa lang ang masasabi ko, kahit na mahal mo ang isang tao kung ang sarili mo ay hindi mo na kayang mahalin, Dude, my only piece of unsolicited advice is before you love somebody, you have to love yourself first and furthermore, you have to give yourself a dignity and respect. Mahirap kung sa sobrang pagmamahal mo eh umabot na hindi mo na nilunok mo na ang lahat kahit ang sarili mong kahihiyan para sa taong minamahal mo. Kasi kapag umabot na nagising ka na sa lahat ng pinag-gagawa mo, dalawa lang ang maaring kahantungan mo dyan, maiinis ka sa sarili mo o maiinis ka sa sarili mo. Simple lang diba? Wala kang choice kung magkaroon ka ng regrets sa sarili mo at mainis ka sa mga pinaggagawa mo.


 

Love is not solely about the feeling and emotion; it's about understanding and making decisions for the betterment of the relationship and also to individuals. So think about thousand times before you do something or else, you might regret it. :D


 

Heto ang feeling na nagtatayp ka ng giniginaw. Tae. Amp. Lels.

3 comments:

asmidgeofolive said...

Dami mong alam! :)) Kilala ko ba ang mga taong itech? Yihee binabasa ko blog mo :>

asmidgeofolive said...

Jamie pala to hahahaha

principe alaxan said...

Hoy! May blog ka ba? asmidgeofolive? NAPAKAKOMPLIKADO LUNGS NG NAME? HAHAHAHA

Post a Comment