Monday, March 12, 2012

Pag-ebeg

Ginagawa ko to habang kasama ko ang payatot na nasa tabi ko na <3 ko. Hihihihi


 

Lamig na lamig na kami ngayon sa isang coffee shop sa Sky Garden, wala lang usapan chill habnga nag-aaral ako, pero landian ata ang lesson ngayon. HAHAHAHA Pero seriously, wala sarap tumambay na wala masyadong iniisip. Kundi manlait lang ng manlait sa paligid mo. Related yan sa isang tweet ko. Basahin mo nalang, katamad eh. Lels. Pero maiba tayo, usap pag-ibig tayo. Iba-iba talaga ang mga tao pagdating sa pag-ibig no. Iisa ang may lakas ng loob na bumuo para kagatin ng isa pero isang tao din ang may lakas ng loob neto para sirain ang nabuo ng magandang samahan. Dalawang kwento ng magkaibang pag-ibig ang nalaman ko. Taray nga eh, morning shift at afternoon shift. Oh diba? Parang klase lang sa public! San ka pa. Haha! Pero seriously, sa magkaibang kwento na to ng tungkol sa pag-ibig, isa lang ang kinalalabasan neto, may taong nang-iiwan at may taong iniiwanan. Sabi nila, ang paghihiwalay is a mutual decision, siguro tama pero isa lang ang masasabi ko, kahit na mahal mo ang isang tao kung ang sarili mo ay hindi mo na kayang mahalin, Dude, my only piece of unsolicited advice is before you love somebody, you have to love yourself first and furthermore, you have to give yourself a dignity and respect. Mahirap kung sa sobrang pagmamahal mo eh umabot na hindi mo na nilunok mo na ang lahat kahit ang sarili mong kahihiyan para sa taong minamahal mo. Kasi kapag umabot na nagising ka na sa lahat ng pinag-gagawa mo, dalawa lang ang maaring kahantungan mo dyan, maiinis ka sa sarili mo o maiinis ka sa sarili mo. Simple lang diba? Wala kang choice kung magkaroon ka ng regrets sa sarili mo at mainis ka sa mga pinaggagawa mo.


 

Love is not solely about the feeling and emotion; it's about understanding and making decisions for the betterment of the relationship and also to individuals. So think about thousand times before you do something or else, you might regret it. :D


 

Heto ang feeling na nagtatayp ka ng giniginaw. Tae. Amp. Lels.

Monday, March 5, 2012

Sari sari

Ang tagal ko ring di nakapagpost sa blog ko. Haha. Muntikan na naman tong ugatin for the nth time. Trolololo. Hahhahaha!!! Well aaminin ko madaming nangyari since nung last time na nag-post ako. Well, masasabi ko puro kaayusan naman ang nangyari. Pero meron din namang di kagandahan pero atleast masasabi ko na nanaig ang yung mga magagandang nangyare saken. And I must Thank God sa lahat ng to.


 

Papano ko nga ba sisimulan ang nangyari saken? Well admittedly, medyo nagiging maganda na ang performance ko sa studies ko. Well basically, bonus na ang nangyare na sure pass na ako at makakapagmartsa na talaga akong tuluyan at alam mong Masaya ka sa nangyayare ngayon sa buhay mo bukod sa acads at friends mo. :D Though medyo may mga glitches na nangyayare but still, manageable naman ang lahat ng yun. Pero shempre di mo maiiwasan na madisappoint sa sarili mo kung alam mo na, you should have done better if kung ganito ang nangyare. Pero katulad nga ng sinabi ng kaibigan ko kanina, mainam na magpasalamat nalang sa nangyare kasi may mas malala pa na nangyayare sa iba tulad ng nagdedelikado paren na di makagrad. But still alam mo kung ano ang mga dapat gawin para maiwasan na in the future ang mga scenario lalo na eh malapit lapit na akong kukuha ng licensure examination. I need to manage everything, from every detail. Para ayos na ayos. :D


 

Yes, admittedly may pagka-perfectionist ako, I want everything to go in order and in proper places para di ako madisappoint. And admittedly, I get easily bored kapag non sense ang pinag-uusapan and para sa aken, it's a waste of time if I spend too much for leisure, kasi alam ko if I spend my time wisely, mas magiging productive ako. That's why ito ang nagging resulta ng medyo pagiging isolated ko sa circle of friends ko for the last two months. Pero iba na ang nangyare ngayon. Siguro, dapat na mag-adjust ako to socialize but not to forget to set the priorities you already established para magkaroon ng path ang buhay. One thing na natutunan ko ngayon is, you don't have to plan for what should be you in the future. Instead, set out the priorities and just go with the flow. And to have a discipline in your lifestyle is a necessity. Kung walang displina? Wala ring mangyayari sa buhay. We are responsible on all of our actions. No more, no less. Though others might influence us, but remember, the ultimate decision whether to make your life productive or not is on ourselves.


 

That's all for the moment! Haha. Til next time. :)