Thursday, December 1, 2011
Panunumbalik
Kanina, habang nasa bahay ako ng kaibigan ko, nag-check ako ng Facebook ko kung meron ba akong notifications, at biglang bumungad sa akin ang trailer ng Titanic 3D. Nung nakita ko yun, umabot hanggang tenga ang ngiti ko. Favorite Movie of all time ko kasi yun eh. At isa ito, o masasabi ko na ito ang pelikula na kahit uulit ulitin ko, hindi ako magsasawang manood. Sampung beses ko na itong napanood at hanggang ngayon di paren ako nagsasawang panoorin ito. Lalo na ngayon na 3D to, mas magiging maganda ang panonood neto.
Habang pinapanood ko ang trailer, hindi ko mawari kung bakit ako nagkakaroon ng goose bumps, sa sobrang kagalakan? LOL Maaari, aaminin ko, isa ako sa mga excited na manood at nagmamadali ng maging April 6 ang araw para mapanood ang pelikula. Lalo na nung pinatugtog na ang OST na My Heart Will Go On, naging eager ako na dapat kong mapanood ang movie na to.
Sa mga di pa nakakapanood ng trailer, heto:
http://www.youtube.com/watch?v=5d9ILag7mRA
Wala lang, share ko lang, more than a decade na tong pelikulang to pero naeexcite paren akong panoorin to. Hehe :))
Wednesday, November 30, 2011
Si Guidance
Sisimulan ko ang kwento ng pagkatapos kong pumunta ng Uno HS, sabay kaming pumunta ni Thirdy sa school, sinakyan namen eh ang jeep na pa-Morayta Gastam, pero pumasok ako sa Recto Gate at ang alibi ko sa guard para makapasok eh pupunta ako ng CRSS, aaminin ko tinamad akong magproseso ng enrolment ko, but I guess, sinusubukan lang ako ni God kung talagang ipapagpatuloy ko. I admit, isang malaking challenge ito sa akin, nakakahiya rin na pumasok pasok sa loob ng BA office, aakalain na you excel most of the time. Pero nakakapagod din, nakakapagod na nakakahiya. Nakakapagod na in a sense na isang subject nalang babalikan mo, and nakakahiya kasi magpa-process ka kasi may bagsak ka for the second time around. Pero siguro ang mas mahalagang nangyari na natutunan ko, alam ko na kung ano ang kakayahan ko, sinasabi nila I am Mature enough, but I said no, kasi hindi naman talaga. Marami pa akong dapat matutunan lalo na sa sarili ko, one of them is discipline, nagiging sakit ko na talaga ang pagiging tardy ko and I have to resolve it on my own.
Nung pumasok ako sa Guidance and Counceling Office, nag-antay lang ako ng ilang saglit para maka-usap ko ang Guidance Councelor for BA, yung Guidance Councelor namen, maraming naiirita sa kanya, kesyo katagal tagal nya, andaming keme sa buhay. Pag pasok ko sa Counseling Room ayan na sya, sinabi ko kaagad, I didn't make it for the second time around, and you know as time goes by, di ako nabore sa kanya, natuwa ako habang nakikipagkwentuhan ako sa kanya and at the same time, saying praises to our God, Almighty Father. Sinsabi nila "Matagal yang makipag-usap" Sa isip isip ko, oo nga matagal nga pero no regrets naman. Medyo matagala din ang lag, kasi prinint pa nila ang grades ko, and ayan na naman sila, SAYANG. Haha! I'm getting used to it. Natatawa nga ako eh, ano to? Counceling ba to o Exit Interview? Sa kasagsagan na wala akong ginagawa, may isang lalaki dun, nagpapatugtog ng Shakira at ng Beyonce', gusto kong jumoin sa trip nya, at na-eenhance na ang radar ko, impernes. LOL Kaso iniisip ko naman baka mamaya magulat sila at sabay sabing… AY?? BIOLA MAMA PALA ITEMBANGCHI! Hahaha!
Haha! Ayun lang. :p Salamat sa pagbabasa ng non-sense kong blogpost. :p
